**FOR IMMEDIATE RELEASE **
MANILA (Sept. 17, 2026) — The appearance by former president Rodrigo Duterte before a trial chamber of the International Criminal Court (ICC) on Wednesday — the first since the court arrested him in March 2025 — boosted the morale of victims and survivors of the so-called "war on drugs," the Truth Commission said Thursday. The case, which is proceeding on schedule, offers a measure of hope to the thousands who suffered under Duterte's anti-drug campaign. The Truth Commission's own work on the "drug war" helps uncover the truth about those killings. Through the commission's Public Truth-Telling Sessions scheduled every other week, victims and survivors tell their own story about what happened to them and their loved ones.
"These truth-telling sessions are not only the survivors' way of making sure that their story is known – this is to help them in their healing as they continue to grapple with the effects of the violence that started since the 'drug war' began in 2016," said Judge Raul Pangalangan, the chairman of the Truth Commission. "This is particularly true in the case of many more victims and survivors who are not included in the cases before the ICC." Pangalangan also said the Truth Commission's truth-telling sessions are crucial in ensuring that more victims and survivors are able to come forward and tell their story, correcting the false narratives the Duterte campaign relentlessly pushed at the height of the "drug war," among them that the victims do not deserve to live because they were criminals.
The independent and nongovernment Truth Commission was convened in May this year by civil-society and Church groups led by Cardinal Pablo Virgilio David, the bishop of the diocese of Kalookan, where hundreds of "drug war" killings took place. Pangalangan, a former judge of the ICC, is the chairman, while Dr. Raquel Fortun, Dr. Al Fuertes, Fr. Danny Pilario and Carlos Conde are members.
The commission holds a Truth-Telling Sessions every two weeks featuring a survivor or victim of the "drug war." It also airs episodes of its Truth Be Told podcast presented in the alternating weeks. Through the Public Truth-Telling Sessions, victims and survivors tell their own stories about what happened to them and their loved ones, while the podcast provides a complementary platform for deeper public discussion of the experiences, evidence, and broader issues surrounding the killings.
The commission will hold its third session next week, featuring Clarita Alia, a mother from Davao City whose four sons were killed by the so-called Davao Death Squad between 2001 and 2007. Their cases are not among those the ICC is looking into, but they show how the killings in Davao City became a model Duterte later used nationwide after he was elected president in 2016.
"While the ICC's proceedings are important, the struggle for justice, accountability, healing, and closure does not end in The Hague. The Truth Commission will ensure that more of those who suffered are heard," Pangalangan said.
For more information about the Truth Commission, visit its website at www.truthcommission.ph, its Facebook page at www.facebook.com/truthcommissionph or its YouTube channel at www.youtube.com/@truthcommissionph.
TAGALOG VERSION
PARA SA AGARANG PAGPAPALABAS
Pagharap ni Duterte sa ICC, Nagbigay ng Lakas ng Loob sa mga Biktima ng Giyera Kontra-Droga'; Truth Commission, Nangako na Higit Pang Ibubunyag ang Katotohanan sa Likod ng mga Pagpatay
MAYNILA (Set. 17, 2026) — Ang pagharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa isang trial chamber ng International Criminal Court (ICC) noong Miyerkules — ang una mula nang arestuhin siya ng korte noong Marso 2025 — ay nagbigay-lakas ng loob sa mga biktima sa tinatawag na "giyera kontra-droga," ayon sa Truth Commission. Ang kaso, na umuusad ayon sa iskedyul sa The Hague, ay nagbibigay ng pag-asa sa libu-libong nagdusa sa kampanya kontra-droga ni Duterte.
Ang sariling gawain ng Truth Commission sa "giyera kontra-droga" ay dagdag na tulong sa kaso ng ICC sa pagbubunyag ng katotohanan sa mga pagpatay na ito. Sa pamamagitan ng Public Truth-Telling Sessions na gagawing dalawang beses isang buwan, ikinukuwento ng mga biktima ang kanilang karanasan.
"Ang mga truth-telling session na ito ay hindi lang paraan ng mga nakaligtas upang malaman ang kanilang kuwento – tumutulong din ito sa kanilang paggaling habang patuloy nilang hinaharap ang epekto ng karahasang nagsimula noong magsimula ang 'digmaan kontra-droga' noong 2016," ani Judge Raul Pangalangan, tagapangulo ng Truth Commission. "Totoo ito lalo na sa marami pang biktima na hindi kasama sa mga kaso sa harap ng ICC."
Sinabi ni Pangalangan na mahalaga ang mga truth-telling session ng Truth Commission upang matiyak na mas maraming biktima ang makapagsasalaysay ng kanilang kuwento, iwasto ang mga maling salaysay na walang-tigil na ipinalaganap ng kampanya ni Duterte noong kasagsagan ng "digmaan kontra-droga," kabilang na rito ang paniwalang hindi karapat-dapat mabuhay ang mga biktima dahil sila ay mga kriminal.
Ang independyenteng Truth Commission ay itinatag noong Mayo ngayong taon ng mga grupo mula sa civil society at Simbahan na pinamumunuan ni Cardinal Pablo Virgilio David, obispo ng Kalookan, kung saan naganap ang daan-daang pagpatay sa "giyera kontra-droga." Si Pangalangan, dating hukom ng ICC, ang tagapangulo, samantalang sina Dr. Raquel Fortun, Dr. Al Fuertes, Fr. Danny Pilario at Carlos Conde ang mga miyembro.
Ang komisyon ay nagdaraos ng Truth-Telling Session dalawang beses sa isang buan na may kasamang biktima sa "digmaan kontra-droga." Idaraos nito ang ikatlong sesyon sa susunod na linggo, kasama si Clarita Alia, isang ina mula sa Davao City na apat na anak ang napatay ng tinatawag na Davao Death Squad sa pagitan ng 2001 at 2007. Ang kanilang mga kaso ay wala sa isinasaalang-alang ng ICC, ngunit ipinapakita nito kung paano naging huwaran ang mga pagpatay sa Davao para sa ipinatupad ni Duterte sa buong bansa matapos siyang mahalal na pangulo noong 2016.
"Bagama't mahalaga ang paglilitis sa ICC, hindi nagtatapos sa The Hague ang laban para sa katarungan, pananagutan, at paghilom. Titiyakin ng Truth Commission na mas maraming nagdusa ang maririnig," ani Pangalangan.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Truth Commission, bisitahin ang website sa www.truthcommission.ph, Facebook page sa www.facebook.com/truthcommissionph o YouTube channel sa www.youtube.com/@truthcommissionph.
CEBUANO
PARA SA DIHA-DIHANG PAGPAGAWAS
Pag-atubang ni Duterte sa ICC, Nagpataas sa Moral sa mga Biktima sa 'Giyera Kontra Droga'; Truth Commission, Nagsaad nga Padayong Ibutyag ang Kamatuoran sa Luyo sa mga Pagpatay
MANILA (Set. 17, 2026) — Ang pag-atubang ni kanhi Presidente Rodrigo Duterte sa usa ka trial chamber sa International Criminal Court (ICC) niadtong Miyerkules — ang una sukad siya gidakop sa korte niadtong Marso 2025 — nagpataas sa moral sa mga biktima sa gitawag nga "giyera kontra droga," matud sa Truth Commission. Ang kaso sa ICC, nga nagpadayon subay sa iskedyul, naghatag ug paglaum sa liboan ka mga nag-antos sa "giyera kontra droga" ni Duterte.
Ang kaugalingong buluhaton sa Truth Commission bahin sa "giyera kontra droga" nagdugang tabang sa kaso sa ICC sa pagbutyag sa kamatuoran mahitungod niini nga mga pagpatay. Pinaagi sa Public Truth-Telling Sessions nga buhatin kaduha kada bulan, ibutyag sa mga biktima ang ilang kaugalingong sugilanon.
"Kining mga truth-telling session dili lamang paagi sa biktima aron mahibaw-an ang ilang sugilanon – nagtabang usab kini sa ilang pagkaayo samtang nagpadayon sila sa pag-atubang sa epekto sa kapintasan nga nagsugod sa dihang nagsugod ang "giyera kontra droga" niadtong 2016," matud ni Judge Raul Pangalangan, tsirman sa Truth Commission. "Tinuod kini labi na sa daghan pang biktima ug nakalahutay nga wala malakip sa mga kaso atubangan sa ICC."
Matud ni Pangalangan, mahinungdanon ang mga truth-telling session sa Truth Commission aron masiguro nga mas daghang biktima ang makahimo sa pagsulti sa ilang sugilanon, itul-id ang sayop nga mga sugilanon nga walay hunong nga gipakaylap sa kampanya ni Duterte sa kinatas-ang panahon sa "giyera kontra droga," lakip na ang pagtuo nga dili takos mabuhi ang mga biktima kay kuno mga kriminal sila.
Ang independente nga Truth Commission gitukod niadtong Mayo niining tuiga sa mga grupo sa civil society ug Simbahan nga gipangulohan ni Cardinal Pablo Virgilio David, obispo sa Kalookan, diin nahitabo ang gatosan ka pagpatay sa "gubat batok droga." Si Pangalangan, kanhi hukom sa ICC, mao ang tsirman, samtang sila Dr. Raquel Fortun, Dr. Al Fuertes, Fr. Danny Pilario ug Carlos Conde ang mga miyembro.
Ang komisyon naghimo ug Truth-Telling Session kada ikaduhang semana nga adunay biktima sa "giyera kontra droga.” Himuon niini ang ikatulo nga sesyon sa sunod semana, uban ni Clarita Alia, usa ka inahan gikan sa Davao City nga upat sa iyang mga anak ang gipatay sa gitawag nga Davao Death Squad taliwala sa 2001 ug 2007. Ang ilang mga kaso wala malakip sa gisusi sa ICC, apan gipakita niini kung giunsa nahimong sundanan ang mga pagpatay sa Davao alang sa gipatuman ni Duterte sa tibuok nasod human siya mapili nga presidente niadtong 2016.
"Bisan tuod hinungdanon ang paglaraw sa ICC, dili didto sa The Hague m ahuman ang paningkamot alang sa hustisya, pagpaninguha, ug pagkaayo. Siguraduhon sa Truth Commission nga mas daghan sa mga nag-antos ang madunggan," matud ni Pangalangan.
Alang sa dugang impormasyon bahin sa Truth Commission, bisitaha ang website sa www.truthcommission.ph, Facebook page sa www.facebook.com/truthcommissionph o YouTube channel sa www.youtube.com/@truthcommissionph.